Former young actress Paula Peralejo graduates magna cum laude in UP

Posted by eds on 05:37

Kahapon, April 26, ang maituturing na isa sa pinaka-espesyal na araw para sa dating young star na si Paula Peralejo. Nagbunga na rin kasi ang ilang taong pagtalikod niya sa kanyang showbiz career para maipagpatuloy ang kanyang pag-aaral sa University of the Philippines, Diliman, Quezon City.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Paula, a few hours before her graduation day. Nalaman namin sa kanya na finally ay nakatapos na nga siya ng kursong B.A. Philosophy, Minor in Tourism sa UP.

Bukod pa rito, hindi lang siya ordinaryong graduating student dahil grumadweyt bilang magna cum laude.

Hindi maikakaila ang kaligayahan ni Paula sa natamong achievement, higit sa lahat ang magawa niya ang karaniwang hindi magawa ng ibang artista at yun ay ang matapos ang kanilang pag-aaral.

Hindi na nasagot ng nakababatang kapatid ni Rica Peralejo, kung pagkatapos ba niyang mag-graduate ay may plano pa rin siyang magbalik showbiz. Ani Paula, a few days after her graduation, lilipad siya papuntang Amerika para sa seminar na a-attendan niya about Philosophy for Kids. After that, mag-i-stay pa rin siya sa ibang bansa ng ilang buwan para naman magawa niya ang isa sa mga hilig niya—to travel and explore the world.

Kung ang pagbabasehan ay ang mga online account ni Paula tulad sa Facebook, makikitang bukod sa pagiging vegetarian, isa rin siyang environmentalist. Hindi lamang mga lugar sa ibang bansa ang ine-explore niya kundi ang bawat lugar rin sa Pilipinas.

Ayon kay Paula, after daw niyang manggaling sa ibang bansa ay magtuturo naman siya.

Nagsimula si Paula sa kanyang showbiz career sa dating pambatang programa ng ABS-CBN na Ang TV! Pero mas nakilala siya nang gawin niya ang kahuli-hulihang regular show niya, ang youth-oriented show na Tabing-Ilog kung saan si Patrick Garcia ang ka-love team niya.
Courtesy of PEP

1 comments:

Comment by Tey on 7 May 2008 at 16:36

good for her... Hi I got your link from Sowbiz centrals site.. care to xlink with my celebrity blog? here is the URL

http://celebrityentertainmentmatters.blogspot.com