Watch out for the upcoming teleserye of Ms. Judy Ann Santos in none other than ABS-CBN Kapamilya Primetime Bida. Yes! She's back! After the success of Ysabella where she portrayed as a good cook, she will now back in a new Nurse-serye where she will be portraying as a strong-willed nurse who undergoes family, career, and love challenges in the United States and in the Philippines. Judy Ann will be reuniting with Derek Ramsay and with the new comer Will Devaugn. This first nurse-serye is about the dramatic medical reality showing the heroine's search for love and truth unfold regarding our Filipino medical cases. The FIlipino's lifechanging moment will be shown in this series. A heroic nurse who will show everyone the kind of love, selfless,sacrificing and unconditional love. A woman with the power to ask for miracle ( Humingi sa langit ng isang himala. This is the theme of this series that will make every viewers heart melt!
Posted in
Judy Anne Santos
ANG Aga Muhlach-Anne Curtis movie ng Star Cinema na When Love Begins ang makakatunggali sa takilya ng independently produced film project ni Judy Ann Santos na Ploning na ipalalabas sa Abril 30.Magkakaroon man ng direktang tapatan ay buo ang loob ni Juday at ng mga nasa likod ng Ploning na hindi sila madedehado sa laban dahil tiwala sila sa ganda ng kanilanng produkto.
“Confident kami sa pelikula, kasi maganda ‘yung produkto namin. And even before we started, nakapili na kami ng April 30 playdate. So, there’s really nothing to worry about.
“Kaya lang, ang Star Cinema, malaki na ang pundasyon nila. Ang Panoramanila Pictures, eh nagsisimula pa lang. So, may kaba, pero ‘yung kaba, napapalitan ng pagtitiwala. Kasi, maganda ‘yung pelikula namin.
“Umaasa na lang din kami sa tulong ng mga kaibigang kagaya ninyo at sa mga taong tutulong sa amin sa promotion. Pero part ‘yun ng trabaho eh, part ‘yun ng industriya, part ‘yun ng pag-aartista at pagpoprodyus, na you really have to deal with those things,” pahayag ni Juday nang makausap namin siya sa grand presscon ng Ploning kamakalawa nang gabi sa CafĂ© Ysabel sa San Juan.Ayon kay Juday, ngayon niya higit na napagtanto na ‘loyalty is not enough’ sa industriyang ito…
“Kasi, sa akin, importante ang buwan ng Mayo dahil birthday month ko ‘yon. Alam n’yo ‘yon. Malaking factor sa akin ang Mayo this year, kasi magte-trenta na ako. “Ayoko nang magsalita actually, pero I’ve come to realize na after all these years of working with one company, isang simpleng birthday… parang dumating ako sa puntong nalungkot ako, tapos, naisip ko na mula pagkabata ko, sa kanila (ABS-CBN) naman ako, ano ba naman ‘yung ibigay na sa akin ‘yung playdate na ‘yon dahil birthday ko?
“But you know, maraming ‘but’ dahil kompanya sila, meron silang mga boss na sinusunod. Ako naman, hanggang dito lang ‘yung sentimyento ko, wala namang mararating ‘to, eh!
“Sabihin ko man ‘to, wala naman ‘tong pupuntahan.Gusto ko lang ‘tong sabihin, kasi masyado nang masakit ‘yung dibdib ko,” emosyonal na bulalas ng young superstar.
So, maaari bang sabihin na masama ang loob niya at may hinanakit siya sa kanyang home network?
“Ano lang… ayokong i-entertain ‘yung thought na masama ang loob ko. Kasi, gusto ko silang intindihin bilang mga producer at ang tagal din naman ng ipinagtrabaho ko sa kanila.
“Pero siguro, kung na-explain sa akin ito bago pa sila nag-playdate ng April 30, wala akong ganitong mararamdaman. Kasi, maiintindihan ko sila. Nagulat lang siguro ako kaya ganito kalalim ‘yung nararamdaman ko,” himutok pa ni Juday.Dahil kasabay ng Ploning ang pelikula ng Star Cinema ay minimal ang suportang maasahan ni Juday mula sa Dos. Anong pakiramdam niya na isa siyang Kapamilya, pero ang all-out ang suporta sa pelikula niya ay ang Kapuso network?
“Alam mo, ‘yun na nga, eh! Na-realize ko rin na… kasi, ‘yung unang-una kong soap opera na Kaming Mga Ulila, eh sa GMA 7. Babalik at babalik ka talaga sa pinanggalingan mo kapag tumanda ka na.
“Oo, maraming tao kang nakakasalamuha, maraming tao kang nakikita, maraming tao ang nalalaman mo ang ugali after so many years, pero babalik ka pa rin sa mga taong tumulong sa ‘yo sa buhay na simple, sa buhay na ang mga kaibigan mo eh, totoo lang.
“Babalik ka pala talaga sa gano’n. Totoo pala ‘yung kasabihan na malayo man ang narating mo, malalim man ang hinulugan mong bangin, babalik ka rin kung saan ka nagsimula.
“At natutuwa ako sa GMA, kasi open sila for whatever opinions at open sila sa lahat ng bagay sa promotions. Sa TV rights, nagbigay pa sila ng advice.“Kumbaga, hindi naman lahat ng produksyon, gagawin ‘yon sa ‘yo, di ba? Kaya talagang sobra-sobra ang pagpapasalamat ko kina Ms. Annette (Gozon-Abrogar ng GMA 7 at GMA Films) na hindi nila ako contract star, pero sobra-sobrang pagsuporta ang ginagawa nila sa Ploning. Thank you, thank you talaga!” maigting na sambit ng aktres.
Dahil ba sa mga sitwasyong ganito ay sumasagi sa isipan niya na parang gusto na niyang lumipat sa Siyete at maging isang Kapuso?
“Hindi, kasi may kontrata pa ako (sa Dos), eh! Isang taon pa. Syempre, hindi naman ako ‘yung tipo ng taong aalis lang dahil sa isang dahilan. Syempre, susumahin mo pa rin ‘yan.
“Paglipas ng mga panahon, marami pang pwedeng mangyari, marami pang mga pagbabawi na pwedeng gawin.
“Paglipas ng mga panahon, marami pang pwedeng mangyari, marami pang mga pagbabawi na pwedeng gawin.
“Pero ang lamat eh lamat. Ang nangyari, eh nangyari na. Hindi mo na pwedeng ibalik ‘yon. Sa nangyari ngayon, mas pinag-isip lang nila ako,” makahulugang linya ni Juday.
Minsan ba ay nararamdaman din niya na dahil masyado siyang mabait as a talent, kadalasan ay naaabuso na siya?
“Ayokong isipin na gano’n, kasi baka lalo akong maawa sa sarili ko! Ha! Ha! Ha! Ano na lang ‘yon, gusto ko na lang tapusin ‘yung kontrata ko. Gusto ko na lang siyang matapos para makapag-decide na ako ng panibagong buhay. ‘Yun na lang!
“Magiging propesyunal na lang ako. Hindi na ako magpapakapersonal. Kasi, mas okey ‘pag propesyunal ka eh, mas nasusunod ‘yung gusto mo, mas nirerespeto ka.
“Kasi, ‘pag may personal relationship ka, mas malaki ‘yung chance na nababalewala ka,” malaman pa ring dayalog ni Juday. Source
Posted in
Judy Anne Santos
Judy Ann Santos on renewing contract with ABS-CBN: "Loyalty is not enough evidence for them to support you."
Posted by
eds
on 16:41
comments (0)
Pagkatapos ng "Don't Lie To Me" segment ng Showbiz Central, kung saan ang young superstar na si Judy Ann Santos ang naupo sa lie-detector test habang tinatanong ng kanyang kaibigan na si John "Sweet" Lapus, nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang young superstar sa Broadway Centrum kahapon, April 13.Sa April 30 ang showing ng kanyang independently produced film na Ploning, kung saan isa rin siya sa mga nag-produce. Makakasabay nito ang movie naman ng Star Cinema na When Love Begins nina Aga Muhlach at Anne Curtis. Tinanong ng PEP si Juday kung wala bang kaba dahil makakasabay nila ng showing ang pelikula ng Star Cinema, na film arm ng home network niyang ABS-CBN?
"Kampante kami dahil alam naming maganda ang produkto at galing sa puso," sagot ni Juday. "Ako, sobrang dasal na lang talaga kami ng ka-partner namin sa laban na ito. Although hindi naman kami nakikipaglaban, pero siyempre, sa lahat naman ng bagay may kakumpitensiya. At saka, we consider it as a healthy competition."
KEEPING IT TO HERSELF. Ang last movie na ginawa ni Juday ay ang 2007 Metro Manila Film Festival entry niya from Star Cinema na Sakal, Sakali, Saklolo. Hindi rin maitatanggi na karamihan sa mga pelikulang nagawa niya were produced by ABS-CBN's film outfit. Wala ba siyang nararamdamang pagtatampo dahil sa pagkakatapat ng When Love Begins sa isa sa pinaka-espesyal na movie niyang ginawa na Ploning?
"Ayoko na lang pag-usapan kasi ang dami kong puwedeng masabi na baka pagsisihan ko rin bandang huli. Basta kung ano na lang ang nararamdaman ko towards them [Star Cinema], I decided to keep it to myself na lang. I think, yun na lang din ang pinaka-magagawa ko para huwag na lang din ako sabihan ng mga tao na nagpapapansin or huwag sabihan na... Ewan ko kung naiintindihan mo ako na, ‘Ay naku, nagpo-promote kaya gumagawa ng isyu.' Kung anuman ang mga nararamdaman ko sa mga nangyayari ngayon, siguro I'll just keep it to myself na lang," mahaba niyang paliwanag.
Ngunit hindi itinatanggi ni Juday na nandoon talaga ang pagkagulat sa kanya nang una niyang malamang na magkakasabay pala ng showing ang pelikula niya at ng Star Cinema.
"Nagulat, siyempre," sabi niya. "Initial reaction mo... Kasi kami, bago pa kami mag-shoot, may playdate na kami, may booking na kami. Kung sinuman ang makakakilala sa mga bookers, they can ask. Ako, nagulat lang. Pero at the end of the day, you can realize na this is just business. Business is business at wala ka namang magagawa roon.
"Kumbaga, sino ba naman ako? Sino nga ba naman si Judy Ann Santos para mag-move ang isang production ng playdate? So, huwag na lang... Ayoko na lang anuhin, hahaba lang ang isyu. Ipinagdarasal ko na lang talaga na sana, makita ng mga tao yung pinaghirapan namin. Kaya nga ako nagpo-promote ng ganito, kasagsagan kasi, proud na proud ako sa pelikulang ito."
Magkaganuman, umaasa pa rin si Juday na hindi lamang siya sa Kapuso network makakakapag-promote. Dahil, aniya, sobrang touched siya sa suportang ibinibigay ng GMA-7 sa movie niyang Ploning. Pero umaasa siya na makakapag-promote din siya sa ilang shows ng Kapamilya—gaya ng ginawa niya sa Wowowee—dahil even before pa, nakapag-book na siya rito.
CONTRACT RENEWAL. Sa pakikipag-usap ng PEP kay Juday, napag-alaman namin na may one-year contract pa pala siyang bubunuin sa Kapamilya network. In fact, kasalukuyan pa lang din siyang nagte-taping ng Habang May Buhay, ang soap opera na pagsasamahan nila ni Derek Ramsay.
Naitanong ng PEP kay Juday kung pagkatapos bang mag-expire ng contract niya sa ABS-CBN ay mananatili pa rin siyang Kapamilya sa pamamagitan ng pagpirma muli ng panibagong contract. Maagap ang naging tugon ni Juday rito.
"Pag-iisipan ko muna siguro nang matagal," sagot niya. "Parang feeling ko kasi, loyalty is not enough evidence for them to support you, e. Alam n'yo yun? Pero siyempre, in fairness naman, ang dami rin naman talagang itinulong sa akin ng mother studio ko. Ang dami rin naman nilang ibinigay na pagsusuporta sa akin. I really appreciate those things.
"Pero alam n'yo, meron talagang time na dumarating na they will test your loyalty. They will test your patience and everything na puwedeng i-test sa ‘yo. At siyempre, tao ka lang. Wala ka namang magagawa kundi mag-react ka lang. Pero hanggang doon ka lang, hanggang react ka lang kasi naka-kontrata ka, e.
"Hindi naman ako yung tipo ng taong magsasabi ng masama sa kanila. Ano lang ako, ang puwede ko lang gawin, e, hanggang pagsasabi lang ng nararamdaman ko. Pero wala ako sa posisyon para magsalita ng masama against them, kasi marami rin naman ang utang na loob ko sa kanila," pahayag ni Juday.
VERY PROUD. Halata namang very proud talaga si Juday sa bago niyang movie na Ploning. Ayon sa kanya, although it's independently produced, hindi raw digital camera ang ginamit nila rito kundi film talaga. Live sound din sila kaya umabot din ang budget nila ng P20 million.
When asked kung posible ba na umani na naman siya ng Best Actress award dahil sa Ploning, halatang masaya si Juday sa thought na yun.
"Sana! Kung hindi man, kahit Best Picture na lang, " positive na tugon niya kaagad.
Sobrang laki raw kasi ng difference ng Ploning sa mga past movies na nagawa niya. Sobra ring espesyal sa kanya ang project na mismong ang best friend niyang si Dante "Ga" Garcia ang sumulat at nagdirek.
"Unang-una, wala akong partner dito," sabi ni Juday. "‘Tapos, first film ko na iba ang dialect ko. Live sound. Cuyonon kami rito. Forty percent Cuyonon and sixty percent Tagalog. Doon na kami nag-aral magsalita ng dialect nila, kasi kailangan kong mag-observe ng mga tao.
"Live sound, may libro kami. Yung coffeetable book na ginagawa ni Ryan [Agoncillo] ngayon. Kumbaga, lahat nga perfect timing. Hindi ka talaga puwedeng magkaroon ng perfect moment kasi may isang sasablay, pero perfect timing. I guess, ang lahat ng ito ay nangyayari for a reason at ine-embrace ko yung reason kung bakit," pagwawakas ni Juday. Source
Posted in
Judy Anne Santos
Subscribe to:
Posts (Atom)