JUDAY, NAGSENTIMYENTO

Posted by eds on 05:50

ANG Aga Muhlach-Anne Curtis movie ng Star Cinema na When Love Begins ang makakatunggali sa takilya ng independently produced film project ni Judy Ann Santos na Ploning na ipala­labas sa Abril 30.

Magkakaroon man ng direktang tapatan ay buo ang loob ni Juday at ng mga nasa likod ng Plo­ning na hindi sila ma­dedehado sa laban dahil tiwala sila sa ganda ng kanilanng produkto.
“Confident kami sa pelikula, kasi maganda ‘yung produkto namin. And even before we started, nakapili na kami ng April 30 playdate. So, there’s really nothing to worry about.

“Kaya lang, ang Star Cinema, malaki na ang pundasyon nila. Ang Pa­noramanila Pictures, eh nagsisimula pa lang. So, may kaba, pero ‘yung kaba, napapalitan ng pagtitiwala. Kasi, maganda ‘yung pelikula namin.

“Umaasa na lang din kami sa tulong ng mga kaibigang kagaya ninyo at sa mga taong tutulong sa amin sa promotion. Pero part ‘yun ng trabaho eh, part ‘yun ng industriya, part ‘yun ng pag-aartista at pagpoprodyus, na you really have to deal with those things,” pahayag ni Juday nang makausap namin siya sa grand presscon ng Ploning kamaka­lawa nang gabi sa CafĂ© Ysabel sa San Juan.Ayon kay Juday, nga­yon niya higit na napagtanto na ‘loyalty is not enough’ sa industriyang ito…

“Kasi, sa akin, importante ang buwan ng Mayo dahil birthday month ko ‘yon. Alam n’yo ‘yon. Malaking factor sa akin ang Mayo this year, kasi magte-trenta na ako. “Ayoko nang magsalita actually, pero I’ve come to realize na after all these years of working with one company, isang simpleng birthday… parang dumating ako sa puntong nalungkot ako, tapos, naisip ko na mula pagkabata ko, sa kanila (ABS-CBN) naman ako, ano ba naman ‘yung ibigay na sa akin ‘yung playdate na ‘yon dahil birthday ko?

“But you know, maraming ‘but’ dahil kompanya sila, meron silang mga boss na sinusunod. Ako naman, hanggang dito lang ‘yung sentimyento ko, wala namang mararating ‘to, eh!

“Sabihin ko man ‘to, wala naman ‘tong pupuntahan.Gusto ko lang ‘tong sabihin, kasi masyado nang masakit ‘yung dibdib ko,” emosyonal na bulalas ng young superstar.

So, maaari bang sabihin na masama ang loob niya at may hinanakit siya sa kanyang home network?

“Ano lang… ayokong i-entertain ‘yung thought na masama ang loob ko. Kasi, gusto ko silang intindihin bilang mga producer at ang tagal din naman ng ipinagtrabaho ko sa kanila.

“Pero siguro, kung na-explain sa akin ito bago pa sila nag-playdate ng April 30, wala akong ganitong mararamdaman. Kasi, maiintindihan ko sila. Nagulat lang siguro ako kaya ganito kalalim ‘yung na­raramdaman ko,” himutok pa ni Juday.Dahil kasabay ng Ploning ang pelikula ng Star Cinema ay minimal ang suportang maasa­han ni Juday mula sa Dos. Anong pakiramdam niya na isa siyang Kapamilya, pero ang all-out ang suporta sa pelikula niya ay ang Kapuso network?

“Alam mo, ‘yun na nga, eh! Na-realize ko rin na… kasi, ‘yung unang-una kong soap opera na Kaming Mga Ulila, eh sa GMA 7. Babalik at babalik ka talaga sa pinangga­lingan mo kapag tumanda ka na.

“Oo, maraming tao kang nakakasalamuha, maraming tao kang nakikita, maraming tao ang nalalaman mo ang ugali after so many years, pero babalik ka pa rin sa mga taong tumulong sa ‘yo sa buhay na simple, sa buhay na ang mga kaibigan mo eh, totoo lang.

“Babalik ka pala talaga sa gano’n. Totoo pala ‘yung kasabihan na malayo man ang narating mo, malalim man ang hinulugan mong bangin, babalik ka rin kung saan ka nagsimula.

“At natutuwa ako sa GMA, kasi open sila for whatever opinions at open sila sa lahat ng bagay sa promotions. Sa TV rights, nagbigay pa sila ng advice.“Kumbaga, hindi naman lahat ng produksyon, gagawin ‘yon sa ‘yo, di ba? Kaya talagang sobra-sobra ang pagpapa­salamat ko kina Ms. Annette (Gozon-Abrogar ng GMA 7 at GMA Films) na hindi nila ako contract star, pero sobra-sobrang pagsuporta ang ginagawa nila sa Ploning. Thank you, thank you talaga!” maigting na sambit ng aktres.

Dahil ba sa mga sitwasyong ganito ay sumasagi sa isipan niya na parang gusto na niyang lumipat sa Siyete at maging isang Kapuso?

“Hindi, kasi may kontrata pa ako (sa Dos), eh! Isang taon pa. S­yempre, hindi naman ako ‘yung tipo ng taong aalis lang dahil sa isang dahilan. Syempre, susumahin mo pa rin ‘yan.
“Paglipas ng mga panahon, marami pang pwedeng mangyari, marami pang mga pagbabawi na pwedeng gawin.

“Pero ang lamat eh lamat. Ang nangyari, eh nangyari na. Hindi mo na pwedeng ibalik ‘yon. Sa nangyari ngayon, mas pinag-isip lang nila ako,” makahulugang linya ni Juday.

Minsan ba ay nararamdaman din niya na dahil masyado siyang mabait as a talent, kadalasan ay naaabuso na siya?

“Ayokong isipin na gano’n, kasi baka lalo akong maawa sa sarili ko! Ha! Ha! Ha! Ano na lang ‘yon, gusto ko na lang tapusin ‘yung kontrata ko. Gusto ko na lang siyang matapos para makapag-decide na ako ng panibagong buhay. ‘Yun na lang!

“Magiging propesyunal na lang ako. Hindi na ako magpapakaperso­nal. Kasi, mas okey ‘pag propesyunal ka eh, mas nasusunod ‘yung gusto mo, mas nirerespeto ka.

“Kasi, ‘pag may perso­nal relationship ka, mas ma­laki ‘yung chance na nababalewala ka,” malaman pa ring dayalog ni Juday. Source

0 comments: