Laarni vs Liezel - Sino ang mas magaling?

Posted by eds on 13:17

Kahapon nga ay napanood na ng sambayanan ang ikawalong Gala Night ng Pinoy Dream Academy Season 2. Malakas ang bulung-bulungan sa isyu ng favoritism sa loob ng Academy. At katulad ng mga nakaraang patimpalak, hindi naiwasan na ipagkumpara ang dalawang Acadreamians na sina Laarni at Liezel.

Ayon sa opinyon ng mga manonood, hindi nila malaman kung bakit palaging napapasali sa bottom four si Laarni. Matatandaang karamihan sa mga co-scholar niya ay nainis sa kanya dala ng kanyang di maipaliwanag na attitude sa loob ng academy. Ngunit ito ay hindi naging hadlang upang ipakita nia ang talento sa pag-awit ng mapatid hiningang mga kanta na pinili mismo ng Academy mentors. Ang tanong ng nakararami bakit tila yata bingi ang mga Jurors at hindi nakikita ang magandang performance ng dalaga? Dagdag pa ng iba mas paborito daw ng Mentors at jurors si Liezel at madadaling awit ang ipinakakanta sa dalaga. Marami tuloy sa mga supporters nitong si Laarni na humahamon na pagpalitin ng kanta ang dalawa upang malaman kung sino ang mas magaling. Hanggang saan kaya aabot ang bangayan ng mga fans ng 2 scholars? At sino ang tatanghaling Pinoy Dream Academy Grand Winner sa taong ito?


0 comments: